"...sana laging may mga bituin para maituro ko sayo na katumbas ng bawat kutitap ay ang mga tibok ng aking puso na para sayo"
hindi ko na sa kanya masasabi ang mga katagang ito. kahit anumang pilit kong gustuhing sabihin, kailanman hindi na pwede.
ang tanong: gusto pa nya kaya makarinig ng gantong kadramahan mula saken? walang nakakaalam. ayoko na rin siguro malaman. para ano pa? para umasa ako na oo ang sagot tapos hindi naman pala. o dili kaya'y "oo" pala ang sagot niya tapos hindi ko din kakayaning sabihin. kasi nga hindi tama.
ayokong dumating sa puntong batbatin ang "katamaan" kung bakit "hindi pwede". kung yun lang sana ang solusyon, kay daling magawa. Kaso, ang solusyon ay ang pagtanggap ng katamaan ng hindi pwede. tapos sa proseso ng pagtanggap ay ang pagtanggap na dumadaan ka sa proseso ng pagtanggap ng bagay na hindi mo akalaing kailangang tanggapin.
nakakasunod ka pa ba?
hindi kita masisisi kung gusto mo maglagay ng comment na "huh?". madalas ako din napapa-huh sa sarili ko. sana may malaking comment box sa totoong buhay para may buhay na "reality check".
baka sakaling mapadali ang pagsiguro kung saang yugto ka na ng proseso.
sana may "home" button din para kahit saan ka man mapunta, kahit anumang pindutin mo at siliping site, alam mong isang click lang babalik ka kung saan ka nagmula.
ampotah, existential na ako. basta, sana may mga kung anu-anong button. hanggagu lang, alam ko namang wala at imposible magkaroon ng mga wish kong buttons. wala lang. ang sarap lang mag-imagine ng what if kung meron.
sabagay, kungmeron, wala na sana ang blog entry ko na to.
isa pa ha...
ampotah. manang carmen, engeng blade.